Coins PH ang magandang option para sa kanila to accept crypto payments, dahil walang fee pag PHP to PHP. Unfortunately pag gamitin nila Coinpayments for buying their products and services, magbayad pa tayu ng transaction/gas fee on top po sa delivery charges.
Tama, isang QR code or email lang para sa payment nila or yung mismong PHP wallet nila, ok na at mas mabilis na ang transaction. Pwedeng nauna lang ang announcement nila pero hindi pa nila naisaayos mismong yung sistema nila. May mga ganyan kasing mga companies na nauuna ang announcement pero yung mismong ina-nounce nila ay hindi pa nila naa-apply sa mismong system nila. Pero maganda yung mga ganitong balita kung legit kasi nga mas dumadami ang tumatanggap ng crypto payments. Biruin mo dati, walang pumapansin pero ngayon ang dami na. Wag lang sana ulit parang biglang manghihina kapag dumating na yung bear market.