Focus on Bitcoin this year or sa ibang bagay?
Kunting background :
Iam a college student in online class and medyo na strestress sa school ang yung feeling ko na mas my matutunan ako sa face to face class.
So ayun naiisip ko mas okay pa po ba tumigil ng online class and mag focus sa gusto kong gawin?
Kagaya ng bitcoin alam ko maraming dapat alamin na di ko nagawa gawa ng pumasok na ako mg college nitong mga nakaraang ilang taon kailangan ko na mag focus. Yun, Sabi nila bull run ang bitcoin from this year up to few years later ito ang isa sa dahilan na napapaisip ako na balikan ko kaya bitcoin na nakatulog sakin.
Kung ako ikaw na gusto makatulong ano tingin mong mas maganda mag focus sa Bitcoin or pagaaral?
Tanong ko din dati yan sa sarili ko bago ko pasukin ang pagbibitcoin. Naisip ko na maaring ma-apektuhan ang academics ko kaka-aral ko ng cryptocurrencies na ayaw kong mangyari kasi gusto ko palagi akong top sa klase ko, wala akong bagsak at makagraduate on time. Pero naisip ko kaya ko bang pagsabayin? Nalaman ko ang sagot ng sinubukan ko. Masaya ako na nakaya kong pagsabayin ng isang taon pero medyo nagbawas ako ng time ng nagte-thesis na ako. After ng thesis balik ulit sa pagbitcoin.
Payo ko sayo, huwag mo sanang i-give up yung pag-aral mo. Hindi ako sigrurado pero ang alam ko lahat ng magulang pangarap ay makapagtapos ang anak nila. Sobrang masaya na sila doon. Kung baga lahat ng hirap na pinagdaanan ng magulang mo simula elementary hanggang ngayong college kana para makapag-aral ka sana wag mauwi sa wala. Kung kaya mong pagsabayin katulad ko, gawin mo.