Well, simula naman noong nahigitan ng Bitcoin ang dating ATH nito ay maraming nang naging mga FOMO na tao. Sila yung mga nagsisisi at hindi sila naginvest sa crypto noong mababa pa ang halaga nito. Hindi rin naman natin sila masisisi eh I mean talagang madugo naman na ang lakaran sa crypto noon pa man. Maraming naiscam at maraming naloloko pero marami ring nananalo sa kanilang mga investments. Ang pwede nalang natin gawin sa ngayon ay maging informative sa crypto. Lalo tayong magbasa at magsaliksik tungkol sa crypto para sa ganun hindi tayo makagawa ng mga maling desisyon pagdating sa investements ng crypto.
Tama yan kabayan, mostly talaga simula nung una pa lang nadadala na talaga ang mga tao kapag usaping pera na, lalo na kung malaki talaga ang kikitain. Sa biglaang paglipad ng Bitcoin from $20,000 to $60,000 napakaraming tao ang namangha at nagsimula na rin mag-invest dito, ngunit marami pa rin ang nalugi kasi nga sa tuwing magbabago ang presyo nito sa market, nagbaback out agad sila kasi baka daw mawala lalo yung pera nila.