Hello sa mga traders dyan!

Worth it ba ihold ang XRP for long term investment?
Yung XRP ko kasi na worth 1000php ay tumubo na at umabot na ito sa 4000php.
napapaisip tuloy baka kya nya maabot ang price nila ETH at BTC someday.
Ano sa tingin nyo tama lang ba na ihodl ko ang XRP ko for long term investment?
Maganda naman ang xrp may pag asa itong coin na to na tumubo at lumaki ang value alang araw, kaya lang sa tingin ko hindi talaga nito maabot ang price ng eth at btc at kung maabot man niya siguro aabutin ng dekada bago mangyari, kasi ang price ng xrp ngayon ay 0.77$ lang samantalang ang btc at eth ang tataas na. Hindi ko sinasabing di niya maabot kasi sa crypto lahat naman posible ang sinasabi ko lang ay baka aabutin ng maraming taon bago niya maabot.