Madami ang mga kuro-kuro sa ngyaring pagbaba ng halaga ni BTC na once bumaba ito ay damay lahat ng alt coins ng dahil sa naging correction market price.
Since karamihan ng mga altcons ay apektado sa galaw ng presyo ng Bitcoin, damay talaga lahat ng mga ito at yun ang nakita natin nitong nakaraang linggo.
Ano sa tingin nyo mga kabayan. posible kaya na humataw ulit ito ng mas mataas pa sa price last year ?
Hanggang nasa taas ito ng kasalukuyang support ngayon na nasa $30,000 ay may chance na tumaas pa ito ngayong taon. Sa kasalukuyang ang pinakamalakas na resistance ay ang kanyang peak na nasa around ~$65,000 base sa coinmarketcap at once na nag-stay ang Bitcoin sa taas ng price na yun ng matagal ay maaari nating makita si Bitcoin sa $100,000 ngayong taon.
Sarap mamili habang nasa mababa pa ang price at hintayin ulit ang pagtaas nito to the moon ika nga.
Sana nga may mga kababayan tayong nakapag cash out kahit papaano nung nasa itaas pa ang market dahil sila ang mas lamang sa mga ganitong mga pangyayari. Marami silang buying power para bumili sa baba

.