Last year pwede pa 400k/daily basta't ang current limit mo ay Level 3 at nasubukan ko iyan. Pero ngayon kahit 1k lang madami silang hinihingi kaya sunod na lang kasi wala naman tayo magagawa. Marahil bagong policy nila iyan di lang nila inilalagay sa kanilang website kasi baka wala ng mag-register sa kanila.
Pwede pa rin naman hanggang ngayon ang 400k/daily na withdrawal. Kung marami ka ng pondo sa php wallet mo tapos gusto mo na iwithdraw into cash, madaling madali lang ang 400k per day para kay coins.ph. Kaso nga lang ang mangyayari kung wala namang laman ang php wallet mo tapos magta-transfer ka palang ng pinanggalingan sa benta mo tapos sa mismong coins.ph ka na magcoconvert. Kakainin yung limit mo sa cashin na which is 400k /monthly ang nangyayari. 400k daily ka sa withdrawal limit pero yung cash in mo 400k per month. Ang laking gap, ewan ko ba bakit naging ganyan na si coins.