Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Another KYC requirements ng coins.ph?
by
blockman
on 17/06/2021, 08:54:40 UTC
Mga kabayan, gusto ko lang malaman kung nakaranas din ba kayo sa inyong coinsph account na may message mismo sa app na kailangan mag submit ng karagdagang kyc details. Curious lang ako kung ano ang bago ngayun sa kanilang sistema, nagtaka lang kasi ako nung nakaraang araw meron ako nabasa na mensahe galing sa kanila, at ganun din sa email ko.
Kung sino dito ang may karanasan din kagaya ng sa akin, paki share naman ng inyong nalalaman tungkol dito. Hindi pa kasi ako nag submit ulit ng personal details kasi gusto kung maka sigurado kung ano ang layunin ng coinsph sa ganitong kyc requirements.
Oo nangyari din sa akin yan. Ginagawa na nila yan dati pa kung napupunta ka sa mismong coins.ph thread dito sa forum naging discussion na yan dati pa.
Wala tayong magagawa kundi mag comply lang kasi hindi na gagalaw yung limit mo kapag hindi ka magpasa sa kanila ng panibagong kyc. Parang nirequired sila ng bangko central para gawin yan kaya iniimplement lang din nila para sa atin.
Yes as far as I know sumusunod lang din sila sa mga ineemplement nila like re-KYC. Pero meron din ibang pwede magtrigger ng re-KYC like having big transactions and exhausting your daily/monthly limits in a short period of time. Yan ang napansin ko sa mga nag tatanong ng re-KYC and sometimes nag rerequest pa ng video call and interview ang coins.ph sa ganoong situation.

Pero as of now wala naman akong nababalitaan na changes sa coinsph and hindi pa ako nakakarecieve ng re-kyc this year.
Tama ka, posible nga yan din yung isang dahilan kapag biglang tinanong ka ng re-KYC ni coins.ph. Maaaring lumalagpas ka sa limit mo at para sa kanila ay merong meter na dapat na hanggang dun lang dapat para hindi sila matrigger na mag ask ulit. Narequire nila ako this early this year kaya no choice ako kaya comply lang pero mga ilang taon din bago nila ako na re-kyc kasi parang isang beses palang ako nag pass at ilang taon na din ang nakalipas nung ininterview nila ako thru video call.