Nag search na ko about mixer like chipmixer pero di ko kasi maintindihan masyado so ang tanong ko ay para saan ba ito?
Malamang sina @mk4 at @SFR10 ang pinakamainam na sumagot neto.
Nag invest din ako nang worth 5k php sa bitcoin pero nasa wallet ng magulang ko so tanong ko ok lang ba parehas kami gamitin na wallet kasi may nabasa ako connected daw yung account so baka ma ban ako tama ba? Pero di na sya active kasi mahirap na daw ngayon DITO ang kalakaran
Gumamit ka na lang ng sarili mong wallet hindi dahil sa baka ma-ban ka kundi dahil pondo mo yan at ikaw din dapat may hawak. Kung wala kang pambili, maraming libreng non-custodial wallets ang pwede mo i-download kagaya ng electrum (Safepal o Trust Wallet para sa mga altcoins).
Plano ko rin bumili ng ethereum so maganda din ba yun tulad ng Bitcoin, ok lang kahit i-delete nyo itong post ko mag search nalang ako ulit, ang gusto ko lang mabilis ko malaman at Tagalog di ko kasi maintindihan masyado sa english
Magkaiba use case ng Ethereum at Bitcoin. Basa-basa ka muna ng basics ng dalawa o pwede ka din manood videos ni Andreas (
https://www.youtube.com/user/aantonop) Kung tagalog naman, wala ako ma-rekomendang channel pero meron din sa Youtube nyan.
Kung ang tinaguriang hari ng crypto ay BTC, ang ETH naman hari ng altcoins.