Hello mga lods! pa tanung lang. need ba talaga ng 40-50k Php para makapag start sa axie infinity? nakita ko kasi sa axie marketplace nasa $100+ lang isang axie eh, so $300+ lang isang team.
Depende kasi yan sa seller/breeder na nagbebenta na ng isang set of team. Yung mga presyong nasa ganyang ng 40-50K ay reasonable naman dahil pwede mo naman i-check ang mga cards kung merong pang combo lalo na kong mga virgin pa ang mga ito (hindi pa nagagamit for breeding).
Kung bibili ka naman ng paisa-isa, maaaring meron kang makita na nasa around $100 ang isa, pero maghahanap ka pa ng dalawa na mas mahal na at syempre na mag woworkout as a team lalo na sa Arena kapag ginamit mo ang cards nila as a chain for offense/defense.