Kung bumaba man sa 20k ang BTC ngayon, yun ang magandang opporunity para bumili at mag hold para kung sakaling bumalik ulit ang bull run ay limpak limpak na pera ang kikitain.
Magandang investment ang BTC kaya kahit lumagpak man ang price nito ay pagkakataon na para mag invest.
Sana nga ganun kadali yun pero tiyak dadaan muna tayo sa marami pang struggles lalo na ngayon na bagsak talaga ang market at kung maabot man nito ang $20k ay siguro may mas malala pa dyan. Pero kung kaya mo namang nag bumili at mag hold until 4 years or higit pa edi ito talaga ang magandang pagkakataon sa pagbili pero wag muna maging greedy at panatilihinh naka subaybay sa galaw ng merkado.
Ganyan lang din ung sinabi nung mga nakabili between 10-15K nung 2017 after nung biglang bagsak ng BTC sabi magandang opportunidad daw pero nung bumaba pa below 10K last 2019 talagang andaming umiyak at nagbentahan, ang importante may goal ka at ung ginagamit mong pang invest eh spare talaga para umabot man ng matagal tagal hindi ka kakabahan at aayon sa kung ano ang nagiging trending sa market,
Yun ang pinaka importante sa pag iinvest dapat alam natin mag manage ng maayos at talagang napag aralan nating maigi ung pag iinvesan natin ng pera natin.
Daming na FOMO nung panahon na yan at madami ding natalo lalo na nung lalong bumagsak si bitcoin kaya dahil sa mga pangyayaring yun dapat talaga na matuto tayo at tsaka dapat talaga na ma manage natin ng maayos ang mga investment natin para kung me pagbagsak man hindi tayo masasaktan ng sobra at madaling maka recover dahil malapit lapit na ito sa support nya. Although mahirap tong gawin pero kung maging mapagmatyag tayo sa market tiyak may hint tayo kung kelan bibili at kelan hindi.