Mga kabayan, gusto ko lang malaman kung nakaranas din ba kayo sa inyong coinsph account na may message mismo sa app na kailangan mag submit ng karagdagang kyc details. Curious lang ako kung ano ang bago ngayun sa kanilang sistema, nagtaka lang kasi ako nung nakaraang araw meron ako nabasa na mensahe galing sa kanila, at ganun din sa email ko.
Kung sino dito ang may karanasan din kagaya ng sa akin, paki share naman ng inyong nalalaman tungkol dito. Hindi pa kasi ako nag submit ulit ng personal details kasi gusto kung maka sigurado kung ano ang layunin ng coinsph sa ganitong kyc requirements.
Ako naman tinawagan at tinanong ng kung ano-ano na higit pa sa pag-violate ng aking privacy.
Tinanong kung saan nanggagaling ang income ko.
Pawang hindi nila tinatanggap na ako'y isang writer, graphics design.
Sinagot ko naman ng maayos - bagkus alam kong dito na nga papunta ang estado ng Bitcoin sa Pilipinas - isang kagamitan upang busisiin lahat ng transaksyon natin.