Madami ang mga kuro-kuro sa ngyaring pagbaba ng halaga ni BTC na once bumaba ito ay damay lahat ng alt coins ng dahil sa naging correction market price.
Ano sa tingin nyo mga kabayan. posible kaya na humataw ulit ito ng mas mataas pa sa price last year ?
Sarap mamili habang nasa mababa pa ang price at hintayin ulit ang pagtaas nito to the moon ika nga.
Maaga palang ang taon na 2021, marami nang speculations na nangyayari ito kaso lang mahirap magsalita ng tapos. Kung titingnan mo ang nangyayari sa market ng crypto ngayun ay mahirap sabihin na ito ay talagang maaabot natin. Dahil nahihirapan na umangat ang presyo ng bitcoin, gawa na rin siguro ng takot ng iba kaya karamihan ay nagbebentahan ng kanilang holdings. Kung mataas ang iyong pasensya, ay kailangan mong tumagal kahit mahirap.