Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Axie Infinity Philippine Thread
by
blockman
on 29/06/2021, 07:18:28 UTC
So ibig sabihin mas effective at mas malaki kumita ang mga chops kasi sa arena bumabawi
Nagtataka ako kasi parang minamaliit ng iba yung chops pero sa totoo lang, wala yan sa pure o chops ang mahalaga dyan yung cards at skills at kung paano mo gagamitin yung balasa sayo. Meron talagang magaling sa diskarte lang kung paano bumalasa ng cards nila kapag arena na. Meron naman talagang malalakas yung skills ng mga axie nila at walang panama sa mga pure. Depende talaga, kahit sino na pwede manalo. Ako chops lang yung akin pero madali lang sa adventure at sa arena naman nakaka-kumpleto naman ng quest. Yun lang naman ang mahalaga sa akin pero kung gusto mo mataas MMR ko, tingin ko may kahalagahan yung MMR at doon mas tataas yung kita mo kasi depende din sa rank o mmr kung ilang slp ang mapapanalunan bawat panalo, lower mmr, lower slp up to wala.