Gusto ko nga bumili ng team sa Axie pero ang mahal na at saka hindi ko alam anu dapat klase na team i-buy ko like stats, virgin/non-virgin, SLPs per day, etc. Plan ko din kasi mag open rin scholarship katulad ni OP, pangarap ko na makatulong din sa mga tao na nangangailangan na mag income habang pandemya pa tayo.
Worth rin ba bumili ng mas murang team? Anung advantage/disadvantage nito pag budget-type buyer lang like sa akin hehe.
Kapag bumili ka ng sariling axies mo, siguro mga 1 and a half to 2 months ay bawi mo na yung capital mo. Ang pinaka objective lang naman kasi sa game na ito ay ma complete mo lagi ang daily quest. Sa una lang talaga medyo mahirap kasi syempre need mo pa ipa level up ang axies mo sa adventure. Mas maganda kung ang team line up mo ay may tank, support at nuker. Pangit naman kasi kung puro makunat lang tapos walang damage, ganun din kung puro damager lang at walang tanke. Mas okay din kung virgin pa mabibili mo para magamit mo din sa pag breed kung gugustuhin mo.
Sana yung mga nag-aapply dito kay OP as skolar ay hindi pa skolar sa ibang program dahil bawal po yun.
Yes ito talaga yung mga mahirap kalaban sa arena, yung nagsama ang support tank at nuker... halos pareho lang sa ML na kapag malakas ang support, tank at core sure win na.