Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Axie infinity popularity
by
Hippocrypto
on 03/07/2021, 07:06:21 UTC
Kabutihan lang naman ang hangad ng developers at community ng Axie Infinity para magbigay ng oportunidad sa mga mahilig maglaro ng games at kumita. Siguro nagiging masama lang ito sa tingin ng iba dahil sa mga umaabuso nito at nagiging dependent sa larong ito upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Sabi ko nga sa mga kaibigan ko ay wag silang umasa na dito na kung saan umabot sa punto na ito na lang yung aasahan nilang source ng kanilang pera. Dahil paano kung bukas ay wala na ito? Kumbaga ituring lang nila itong other side income at libangan na rin, hindi yung ititigil na yung main job o ibang negosyo.

Sa bagay dapat din naman nating isipin ang mga posibling mangyari sa hinaharap kabayan, sayang din naman kapag wala kanang trabaho at mayroong mangyari na hindi maganda kay axie. Kung may kita na maganda na ang source ay galing sa Axie infinity, dapat ding mag isip ng ibang kikitan bukod sa ganitong pamamaraan. Pwede ring palaguin ang ibang negosyo na tingin mo papatok sa panahon ngayun, gawin mong daan ang kasalukuyan mong income upang magiging handa tayu kung sakali matigil ang laro na ito ng crypto.