Kabutihan lang naman ang hangad ng developers at community ng Axie Infinity para magbigay ng oportunidad sa mga mahilig maglaro ng games at kumita. Siguro nagiging masama lang ito sa tingin ng iba dahil sa mga umaabuso nito at nagiging dependent sa larong ito upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Sabi ko nga sa mga kaibigan ko ay wag silang umasa na dito na kung saan umabot sa punto na ito na lang yung aasahan nilang source ng kanilang pera. Dahil paano kung bukas ay wala na ito? Kumbaga ituring lang nila itong other side income at libangan na rin, hindi yung ititigil na yung main job o ibang negosyo.
Depende pa din po kasi sir, yung iba kasi madami ng team so malaki yung reliance nila dun plus kung may pera ka naman na pwede ka naman magbreed at magbenta plus mahirap sabihin na mawawala yung Axie Infinity anytime soon kasi almost 3 years na sila and the developers are active in Discord, madami pa kasi silang idadagdag sa laro besides the conventional farming. Tsaka tama ka sir dapat consider it as a side job kasi kaya na makuha ang quota within 2 to 3 hours if medyo malayo ka na sa adventure.