Mga kabayan, gusto ko lang malaman kung nakaranas din ba kayo sa inyong coinsph account na may message mismo sa app na kailangan mag submit ng karagdagang kyc details. Curious lang ako kung ano ang bago ngayun sa kanilang sistema, nagtaka lang kasi ako nung nakaraang araw meron ako nabasa na mensahe galing sa kanila, at ganun din sa email ko.
Kung sino dito ang may karanasan din kagaya ng sa akin, paki share naman ng inyong nalalaman tungkol dito. Hindi pa kasi ako nag submit ulit ng personal details kasi gusto kung maka sigurado kung ano ang layunin ng coinsph sa ganitong kyc requirements.
Sa ngayon wala pa akong natanggap na email about kyc mula sa coins.ph at kung meron man talagang magtatanong din ako sa coins.ph customer help center kung anu ang posibling dahilan. Ang natatangap ko lang na notice ay ang adress verification ko kasi level 2 palang coins.ph.