Mga kabayan, gusto ko lang malaman kung nakaranas din ba kayo sa inyong coinsph account na may message mismo sa app na kailangan mag submit ng karagdagang kyc details. Curious lang ako kung ano ang bago ngayun sa kanilang sistema, nagtaka lang kasi ako nung nakaraang araw meron ako nabasa na mensahe galing sa kanila, at ganun din sa email ko.
Kung sino dito ang may karanasan din kagaya ng sa akin, paki share naman ng inyong nalalaman tungkol dito. Hindi pa kasi ako nag submit ulit ng personal details kasi gusto kung maka sigurado kung ano ang layunin ng coinsph sa ganitong kyc requirements.
Ganyan din ang nagyari sa akin 3 months ako kasoiyung mga dinagdag ko na impormasyon at detalye ay puro reject nag over na kasi ako at business permit na kaya wala ako choice kung hindi makisuyo sa account ng utol ko na verified sa 4th level, mas gamit ko ang Abra ngayun bagaman 3 days ang transfer sa Banko at kailangan mo humanap ng Tambunting na may Abra para maka withdraw agad.
This is actually true. Wala din ako idea kung bakit biglang bumaba yung level ng account ko despite na verified na ako sa coins.ph since 2017. Nagulat na lang ako na bumaba yung transaction limit ko sa coins.ph after not using the app for like a month?
Well nevertheless, nag submit lang din naman ako ng KYC documents and after that, bumalik na account level ko and tumaas na ulit transaction limit ko. Maybe it is like a security function sa kanila on inactive accounts? Not sure pero sana hanggang ganito lang.