Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Another KYC requirements ng coins.ph?
by
finaleshot2016
on 24/07/2021, 19:43:47 UTC
Mga kabayan, gusto ko lang malaman kung nakaranas din ba kayo sa inyong coinsph account na may message mismo sa app na kailangan mag submit ng karagdagang kyc details. Curious lang ako kung ano ang bago ngayun sa kanilang sistema, nagtaka lang kasi ako nung nakaraang araw meron ako nabasa na mensahe galing sa kanila, at ganun din sa email ko.
Kung sino dito ang may karanasan din kagaya ng sa akin, paki share naman ng inyong nalalaman tungkol dito. Hindi pa kasi ako nag submit ulit ng personal details kasi gusto kung maka sigurado kung ano ang layunin ng coinsph sa ganitong kyc requirements.
Ang sa akin naman walang hininging requirements, matagal na akong verified ng coins.ph hanggang level 2 at di ko pa inaasikaso ang level 3 ko pero walang notifications or any email na nagsasabing kelangan ko magbigay ng karagdagang requirements. IMO, di na rin ako hihingin nila dahil valid id na rin ang pinakita ko, i think sapat na 'yon para makalagpas sa KYC, enough na at hindi na dapat magdagdag pa ng kung ano mang requirements. Expired na yung ID ko right now na ginamit ko dati pang verify sa level 2, if ever man na hingan nila ako ulit because of that, malalaman ko naman siguro yon if nagbukas ako ng coins.ph kaso until now wala pa rin eh.