Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Another KYC requirements ng coins.ph?
by
jamyr
on 25/07/2021, 07:12:31 UTC
Mga kabayan, gusto ko lang malaman kung nakaranas din ba kayo sa inyong coinsph account na may message mismo sa app na kailangan mag submit ng karagdagang kyc details. Curious lang ako kung ano ang bago ngayun sa kanilang sistema, nagtaka lang kasi ako nung nakaraang araw meron ako nabasa na mensahe galing sa kanila, at ganun din sa email ko.
Kung sino dito ang may karanasan din kagaya ng sa akin, paki share naman ng inyong nalalaman tungkol dito. Hindi pa kasi ako nag submit ulit ng personal details kasi gusto kung maka sigurado kung ano ang layunin ng coinsph sa ganitong kyc requirements.

Wala pa naman akong natatanggap na ganitong mensahe. Makakatulong kung mayroong screenshot para mas detalyado ito.

Ewan ko lang sa iba kasi for the time I have spent using coins.ph (since 2016) eh di na nila ako nirequire to submit another form of verification. Siguro dahil sa level 3 na rin iyong account ko.