Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
harizen
on 27/07/2021, 21:43:31 UTC
Mga kabayan ano po ba ang cashout remittance option sa coins.ph na isang ID lang ang kailangan?

1 ID lang mostly sa mga remittances. Kapag nagkarecord ka na sa kanila, easy withdraw na lang since may reference na sila sa iyo; LBC, ML, Cebuana, Palawan etc.

Iyong sa LBC nga lang talaga ang di ko maintindihan. Nag KYC ka nga sa kanila with matching picture pa para makakuha ka ng card pero need pa rin ng 1 ID para magclaim. Para saan pa iyong card e kung for record purposes lang pala.

Sa Cebuana naman, hiningan ako ng extra pang ID nung magclaim ako ng 3x Php50,000 before. Limit kasi ni coins.ph is Php50,000 per transaction kaya 3 papel din ang sinubmit ko sa Cebuana.