kasi sa part ko di na ako nagbibigay ng kahit anong ID now every withdrawal ko kasi kilala na ko sa tatlong branches na pinag cacash outan ko.
Dapat nga ganyam lagi. Sa kaso ko kasi may ibang branches na need ng dalawang ID kahit may record ka na. Iyong isang branch ng LBC dito malapit sa amin sobrang daming arte. LBC card tapos need pa 2 valid IDs. Wala namang problema kaya lang dapat di na ganyan at puwede na kahit isang ID lang. Iyong iba ngang branch ng LBC, card lang ang need wala ng ID. Di ako nakikilala ng mga teller or cashier. Ang nakakatanda lang sa akin mga guwardiya lol.
Nako kapag LBC talaga ay masyadong maraming arte. Dati pa yan eh.
Yung pinag ca-cashoutan ko dati is Cebuanna kaso parang tinggal na ata ng Coins sa isa sa mga options ng CO, kaya lumipat ako sa ML. So far ok naman sa ML isang ID lang hinahanap.
Pero mas mainam kung mag bank transfer nalang kasi mas mabilis at mas mura. Kasi Php10 lang ang tx fee any amount sa instapay. Compared sa mga remittances na kadalasan ay Php10 per Php1,000 transaction.
Noon nag cacash out din ako sa LBC and yeah medyo maarte nga talaga sila pero eventually naging close ko din sila ang naging maluwang na din sa mga withdrawals ko.
though may instance din na pag bago ang teller eh required talaga akong mag provide ng ID lalo na kung medyo malaki ang withdrawals ko.
kaso now mas malapit na ang mlhuiller sakin kaya di na ako gumamit ng lbc.