Nasa alpha palang sila at napaka dami pang pwedeng mangyari at tsaka naayos nadin nila ang server issue kaya goods na goods na talaga ang future nito. Mas lalo pa puputok to lalo na pag naganap na talaga ang Esports dahil tiyak marami pa ang makakaalam sa larong ito lalo na yung mga first world country kaya habang nasa alpha palang mainam na pumasok na dahil mataas ang tyansa na tataas ang presyo ng bawat axie lalo na pag pumalo na naman ang presyo ng axs at slp.
Oo nga ayos na ayos na yung server nila at panigurado ngayon madami silang itetest para sa mga additional na in game features na pwede nilang idagdag bukod pa yung gagawin nilang esports. Mas lalo siguro dadami yung magpapalakas ng mga teams nila, yung tipong chopsuey na hindi maganda cards at dahil nga magiging esports na, mapipilitan magpaganda ng team kasi nga mas magiging competitive na lalo na kung matapos na sila sa alpha at susunod na mga stages at kapag official na at kumpleto na yung mga feature na kailangan nilang idagdag.
may kakilala ako na nag invest at pinagutang nya talaga ginamit niya pambuo ng team. lakas ng loob ehh hahaha pero ayus naman daw kahit ganun dahil nga sa kahit papaano nkakaipon na sya para pa konti2 ay mka bayad siya.
Risky talga bsta merong involve na pera like dito sa axie. pero di mo malalaman if you don't try it.
Mabilis lang din naman makabawi basta 10 pesos pataas palitan ng SLP.