Mga kabayan, gusto ko lang malaman kung nakaranas din ba kayo sa inyong coinsph account na may message mismo sa app na kailangan mag submit ng karagdagang kyc details. Curious lang ako kung ano ang bago ngayun sa kanilang sistema, nagtaka lang kasi ako nung nakaraang araw meron ako nabasa na mensahe galing sa kanila, at ganun din sa email ko.
Kung sino dito ang may karanasan din kagaya ng sa akin, paki share naman ng inyong nalalaman tungkol dito. Hindi pa kasi ako nag submit ulit ng personal details kasi gusto kung maka sigurado kung ano ang layunin ng coinsph sa ganitong kyc requirements.
I think dahil un sa mga inactive wallet ng coins ph kaya para makita nila kung sino pa ung active kaya minsan is ng papa re validate sila ng mga account. Last time is ng pasa ulit ako ng ID ko para ma verify ulit sya kasi malaking tulong sakin si coinsph mapa load, storing crypto and madami pang iba.
Hindi lang para sa mga inactive na accounts dahil kahit ako, halos every year nag rerequire ng KYC update ang coins.ph sa akin. Basta ako, comply lang dahil basic requirements lang naman, at kahit ano pa basta naaayon sa batas, mag comply pa rin ako dahil ayaw ko ng magkaproblema ang account ko one day.