Ako talaga naituturing ko na ang sarili ko na naka depende sa crypto sa ngayon simula ng tumuloy-tuloy ang magandang kitaan at ang naging takbo ng journey ko rito. Pero syempre nasa isip ko rin yan na wala talagang permanente kaya hanggang kapaki-pakinabang pa ito ay talagang sige lang, pasukin ang mga oportunidad na dumarating... Kaya I keep myself updated sa mga current trends para hindi mahuli sa mga bagong pwedeng pagkakitaan. Sa tingin ko, magkaroon man ng bagong teknolohiya ay hindi basta-basta mawawala ang crypto.
Mahirap makahanap ng permanenteng pagkakakitaan sa crypto at malay natin yung mga NFT games na magiging stable at dahil sa dami ng players, ito yung magtataguyod sa laro kaya tatagal tulad ng sa Axie na alam nating patok sa bansa natin. Pero hindi ko sinasabi na ituring na laro yan, goods siya bilang side line o part time tutal wala naman masyadong pagkakaabalahan o kung meron man, pasok parin naman sa oras kasi nga ilang oras mo lang lalaruin. Tama kayo mga kabayan, hangga't merong opportunity, mag stay lang basta aware tayo na ganito ang estado natin sa crypto. At habang kumikita, pundar pundar lang din ng mga investments at assets na pwede ding magbigay ng passive income.