Sa tagal kong andito sa forum napansin ko na sobrang daming newbies every year nadadagdagan at kung sa totoo lang hindi ako makapaniwala sa dami dahil hindi pa naman ganoon kalaganap ang forum na ito sa iba, karamihan sa kanila ay alam ang bitcoin pero walang idea sa forum na to.
Ano sa tingin niyo tama ba ang hinala ko na maraming alternative accounts or multiple accounts dahil sa rason na mahirap solusyonan ito.
Hindi naman maitatanggi na nakikilala na ngayon ang crypto currency sa bansa dahil sa dami ng nabalita na umunlad ang buhay dahil dito kaya gusto rin masubukan ng iba na makipag sapalaran sa ganitong larangan. May bagong sistema naman ngayon ang forum na to at mahihirapan na ang mga newbie at bagong account na gagamitin lang etong forum na to para kumita ng pera dahil sa merit system na ginawa ng forum moderator.