Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bilyonaryo dahil kay BTC
by
Golegard
on 26/08/2021, 00:08:15 UTC
Nakita niyo na ba 'to?

Holdings: BTC309,169.419


^ Photo grabbed sa isang FB crypto group. Hindi ko na din sinundan yung main link pero ayon sa comments eh naipon daw yan sa maagang pagmimina. Ang tibay din niya mag-hold. Kung ako siguro nyan baka marami na ako nabenta nung 2017 pa lang. May kaya din siguro kaya ganun.

Sa presyo ngayon na $49,000 per BTC at sabihin na nating Php50 per USD, tumataginting na Php 757.46 Bilyon Shocked Ilang henerasyon na siguro mabubuhay nyan  Grin

It is good decision na nagHOLD sya ng matagal, pero sa crypto hindi mo kasi malalaman ang value ng coins or token in the future kasi possible na bumaba or tumaas ang price. Marami kasing naluging mga 'ITO' or 'ICO' simula ng pumasok ang SEC sa crypto kaya maraming nabahalang mga btc/token holder na magbenta kasi laki na ng binaba na ng bitcoin at isa ako dun sa mga nagpanic selling ng BTC pero it's a learning from your experience, nasa huli talaga ang pagsisisi.


Ngayon, balik tiwala ko na kay BTC at other coins and tokens, gagamitin ko na ito lahat sa maayos, unahin ang dapat na kailangan at hindi 'yung mga wants lamang.