Way back 2017 to 2018, malaki talaga kinita ko noon, kasama na airdrop at bounties. Halos, pumalo ng 1.3M sana kita ko kung hindi ako naghold. Sa sobrang taas ng confidence at tiwala ko sa mga tokens at coins noon, hinohold ko lang sya talaga tapos kumukuha lang ako kapag may kailangan ako. Ang mali ko lang noon, hindi ko sya trinade sa BTC then BTC na lang sana ang hinold ko.
Marami akong kakilala na kumita na ng malaki dahil sa bounties. Bounty hunter talaga kami, naghahanap kami ng Campaign Manager na mataas ng credibility sa forum lalo na ung may positive trust kasi alam mong pinagaralan nya muna yung project bago nya inaccept.
Sana magboom ulit mga bounties ngayon, at umaasa akong isa itong hakbang para sa atin na umahon sa buhay.
Noon talaga kahit support team member lang ng project ang nagpopost ng bounty ay talagang malaki ang bigayan. Pero ngayon kahit mga high rank and trust member ang nagmamanage, may iilan ding nagfifailed at bigla na lang magiging scam sa kalagitnaan ng campaigns ang mga projects, hindi naman lahat. Ngayon, hindi na madali kumita ng isang milyon, kailangan mo na talagang mag invest sa isang coin/token at kung seswertehen na tumaas ang presyo nito.