Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Axie Infinity Philippine Thread
by
blockman
on 28/08/2021, 00:06:31 UTC
Oo nga masyadong mataas yung fee ng ethereum network ngayon kaya hindi rin talaga maganda magtransfer maliban nalang kung kaya mong ishoulder yung pagkalaki laking fee. Iba pa yung gwei, iba pa yung sa ronin bridge na dyan talaga kumikita sky mavis. Try mo yung sa Uniswap, may weth doon pero di ko pa na-try bumili ng weth doon pero may mga ka-Axie akong nakita dati na doon sila bumibili ng mga weth nila. Ako kasi usual lang ginagawa ko, metamask to ronin kasi mura mura pa mga fee dati. Sa p2p, iwas ka lang talaga sa di mo kilala, pwedeng meetup kung may malapit sayo tapos sa matao kayo magdeal o di kaya sa tabi ng pulis station o barangay hall.

Di ko pa na try tong ganitong option pero kung mayroon man nagbabalak gawin yang sinuggest mo e mainam na pumunta sila sa discord channel ng Axie at magtanong-tanong dun sa mga matagal ng naglalaro at nasubukan na ang mga sulok2x sa larong ito mahirap na baka iba yung sa uniswap at sa ronin mismo. At nasubukan ko lang din yung default na palitan since yun ang pinaka safe sa ngayon pero maaari naman tayo maka lessen ng fee kung mayroon tayong kaibigan na mag dedepo din at makisabay tayo para maka lessen sa fee dahil for now yun talaga ang pinaka best para maka budget sa napakalaking fees ni ETH ngayon.
Di ko pa kasi personally na try yan pero mga ilan ilan din silang nabasa ko na yan yung ginawa. Tama ka, mas maganda magtanong doon sa discord channel na official ng Axie. Kasi nung nagtanong ako doon about sa isang problema na naranasan ko, meron at merong sasagot at kapag magtatanong ka dun. Dapat i full blast mo na yan yung icha-chat mo, meaning dapat kumpleto mga details kasi matagal ka ulit bago makareply pero yung mga mods doon at ibang experienced na player, willing sila sumagot basta alam nila yung sagot. Pero mas okay pa rin talaga basta sa kakilala mo para ronin to ronin lang.