Balik tayo sa thread na ito. Nakita mo na kung gaano tumaas ang Bitcoin ngayong linggo lang na ito diba? Mula 37,000 to 38,000 last week, naging 47,000 na ito as of this writing. Umabot pa nga yata siyang $49,000 mga ilang oras lang ang nakalilipas. Ganyan ang magandang tignan sa Bitcoin. Akala mo na wala nang itataas pa eh tumaas pa lalo kaya para sa akin hindi pa tapos ang bullrun. Tiyaga tiyaga lang kayo na magipon.
Meron pa tayo apat na buwan, marami pang pwedeng mangyari depende pa rin sa mga news na darating sana bawas na o wala ng FUDS at maganda lang ang marereceive na news, may pagkakataon pa nga na pwede uling mag establish ng bagong all time high, marami pa ring umaasa na mag 6 digit ang price bago matapos ang taon, mukhang pwede ito mangyari.