Balik tayo sa thread na ito. Nakita mo na kung gaano tumaas ang Bitcoin ngayong linggo lang na ito diba? Mula 37,000 to 38,000 last week, naging 47,000 na ito as of this writing. Umabot pa nga yata siyang $49,000 mga ilang oras lang ang nakalilipas. Ganyan ang magandang tignan sa Bitcoin. Akala mo na wala nang itataas pa eh tumaas pa lalo kaya para sa akin hindi pa tapos ang bullrun. Tiyaga tiyaga lang kayo na magipon.
There's a quote yung napakinggan ko dati sa Investa na tungkol sa mga asset, ito yun "Yung akala mong mura na ay mas lalo ka pang mapapamura" - meaning lang na akala mo hindi na babagsak pero mas bumagsak pa pala. Ito pa yung isa "Yung akala mong mahal na ay mas mamahalin mo pa pala" - meaning na akala mo mataas na yung presyo niya at huli na sa trend pero mas lalo pang umangat.
Hindi ko alam kung anong sorcery meron yang mga quotes na yan pero parang akala natin mahal na si BTC ay mas lalo pa pala natin itong mamahalin. Agree ba kayo lalo na sa long term?