Ngayong nakamit at nahigitan na naman ang naitakdang value noong 2017, maaasahan kaya natin ang pagsulpot ng mga taong maaakit sa Bitcoin? Dadami kaya ang magiging investors ngayong malalaman nila na isang malaking asset ang BTC...
(Aasahan na din ba natin ang pagtaas ng bilang ng mga scammers ngayon kung magkakaroon ng posibilidad sa pagdami ng mga papasok sa crypto?)
Halos araw araw nadadagdagan ang mga tao na pumapasok sa mundo ng bitcoin dahil dumadami na din ang mga taong nagpapatunay na magandang asset ang bitcoin. Regarding scammers, palagi yang nandyan and dumadami din sila kasabay ng pagdami ng pumapasok sa bitcoin kaya ang dapat ay mas maging maingat ang bawat isa sa pagtukoy ng magandang proyekto or investment. Wag padalos dalos sa desisyon at suriin mabuti ang mga lalahukang investment. Ang mga scammers din ay gumagaling sa pang scam kaya dapat mas maging mapanuri at magtiwala.