Syempre walang tax ang crypto kasi hindi ito declared sa BIR. In my own point of view, magkakatax ka lng kung gagamitin mo na ang pero mo sa crypto pagbili ng mga bagay-bagay o serbisyo.
Ayon sa BIR, kung kumikita ka ng crypto, may obligasyon kang mabayad ng tax, gaya nalang ng napabalita just recently na yung mga kumikita sa paglalaro ng axie infinity ay dapat na raw magbayad ng tax, so kung hindi man sila magbabayad, maaring habulin sila ng BIR, yung lang naman, it's either you play safe or take the risk of the possible consequences.
Ano kayang pwede nilang gawing grounds para mahabol ung tax?
Tingin ko kasi wala pa namang legal basis or ung sumasakop na batas para sa crypto unless sundan natin ung logic na kung kumikita ka eh dapat mag tax ka. which sa crypto pwede hindi madeclare yung kita lalo na kung wallet to wallet at hindi dadaan sa kung anong centralize exchange.
Sa ngayon abang abang na lang tayo ng update na gagawin ng BIR para dun sa mga players ng Axie sa malamang damay damay na kasi yan pag nagkataon.