Currently trending coin din itong bagong labas na MIST,
Pero ang pinag kaiba niya sa ibang NFT games ay masyadong risky kung mag i-invest ka para sa akin, dahil
Masyadong hype lang ito at wala ring roadmap or whitepaper na inilalabas ang mga Devs. Hindi po ako nag kkakalat ng FUD, nagulat lang ako dahil hyped na rin pla ito sa mga kababayan natin, kung meron man nkapag invest ng nasabing coin baka puwedeng paki share naman ng opinion nyo. Hihintayin ko nalang maglabas sila ng roadmap or whitepaper kung ano ba tlga plano nila sa project.
Isa to sa mga pinagpipilian kong NFT games ngayon since swak sya sakin kasi mahilig ako sa MMORPG. Isa nga lang sa mga downside nya is yan nga yung sa roadmaps and i dunno if they are really hiding their identity. Ang pinaka hype sakin dito e partnered daw sila ng steam which is alam naman natin na malaking company but lets see.
So this mean available ang laro na ito sa Steam? Medyo nakakapagtaka lang kase bakit masyado silang takoy ilabas ang team and bakit ayaw nila malaman ang roadmap eh isa ito sa importanteng tinitignan ng mga investors especially bago palang ang project na ito. Medyo nagaalangan ako mag invest dito, wait ko nalang den muna other reviews or better to look for other options.
Tingin ko dapat bago sila mag release is mostly meron yang mga website na agad nagawa at function na ito kasi dito mag kakaroon ng idea ang mga player at investor para sa larong ito. If wala sila malalabas medyo risky iyon hindi mawawala sa utak ng mga tao ang pag dududa para sa larong ito. Its better to wait for the safe investment kaysa parang namigay lang tayo ng pera sa unknown pa ung patutunguhan.
Nakakatakot nga talaga at malaking risk ito lalo na sa isang katulad ko, malaking pera ang pinasok ko dito pero sa kadahilanan na naglabas na sila ng NFT marketplace. Meron na talagang nageexist na parang game pero marketplace lang siya, pwede kang gumala sa isang isla na 'yon at andon mo makikita lahat ng NFTs at yung mga class. Dahil sa progress na yon, nag invest ako kasi kung talagang shady nga sila at may planong mang-rug, sana walang progress pero makikita natin sa updates is talagang may progress. Karamihan ng mga game devs ay hindi talaga doxxed pero since nasa crypto sila, dapat talaga doxxed nga ang team para kahit papaano ay may assurance. Ang PVU rin naman hindi doxxed ang team pero look at the progress, grabe ang inangat ng players, nag dip lang ang PVU dahil sa changes sa farming mode pero good news yun kasi wala na yung mga hindi long-term maglalaro. So same perspective din sa MIST, as long as may progress, sa tingin ko ay pwede pa naman, optional nalang din naman kasi ang pagdodoxxed para sa assurance ng mga investors and besides, hindi naman siya typical defi na yung doxxed dev lang ang basehan para masabing lehitimo dahil dito sa NFT games, ang pagkakaroon ng development at progress sa game ay isang malaking assurance na.
Try niyo download yung MIST NFT marketplace sa website nila. If magkakaroon man ng issue sa MIST, oks lang atleast I've tried to invest, ganon naman kasi talaga sa crypto, minsan easy money, minsan may mga hindi pumapatok kaya nalulugi. Kaya mas better na always check updates sa Discord channel ng mga NFT game before mag-assume ng kung ano ano, diyan nagsisimula ang Fud.