Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Pagpasok ng Tao Sa Crypto
by
peter0425
on 06/09/2021, 03:05:38 UTC

Ngayong nakamit at nahigitan na naman ang naitakdang value noong 2017, maaasahan kaya natin ang pagsulpot ng mga taong maaakit sa Bitcoin? Dadami kaya ang magiging investors ngayong malalaman nila na isang malaking asset ang BTC.

(Aasahan na din ba natin ang pagtaas ng bilang ng mga scammers ngayon kung magkakaroon ng posibilidad sa pagdami ng mga papasok sa crypto?)

Halos araw araw nadadagdagan ang mga tao na pumapasok sa mundo ng bitcoin dahil dumadami na din ang mga taong nagpapatunay na magandang asset ang bitcoin. Regarding scammers, palagi yang nandyan and dumadami din sila kasabay ng pagdami ng pumapasok sa bitcoin kaya ang dapat ay mas maging maingat ang bawat isa sa pagtukoy ng magandang proyekto or investment. Wag padalos dalos sa desisyon at suriin mabuti ang mga lalahukang investment. Ang mga scammers din ay gumagaling sa pang scam kaya dapat mas maging mapanuri at magtiwala.
Ang pagdami ng scammers ay isang patunay ng Pagyabong at pagtatagumpay ng cryptocurrency sa Pinas kaya mga masasamang loob ay naakit na ding samantalahin ang pagkakataong makapaglamang ng kapwa.
hanggat meron magandang pagkakakitaan ay patuloy din ang pagdami ng mapagsamantala.
ang pinaka importanteng bagay ay patuloy tayong lahat na tulungan ang mga taong papasok or evena ng mga nasa loob na ng crypto na paalalahanan ay turuan kung paano makakaiwas sa mga ganitong kasamaan at maging maingat sa kanilang mga pakikipag transaction .