Buti na lang pala binalikan ko ang thread na ito. Salamat sa mga sumagot. Dalawa kasi sa mga kakilala ko ang susubok kasi na magapply as scholars sa game na iyan. Buti kamo at merong axie na pwede pagkakitaan habang naglalaro. Nabanggit mo nga lang na may quota system ang ibang mga mayari kaya na intriga ako doon. So meron posibilidad na pwede magbabad ng ilang oras kada araw ang isang scholar sa laro para lang makuha ang quota tama ba?
Uu bro, may mga times talaga na need mag babad lalo na pag magpapataas ka ng mmr para mas malaki yung SLP na makukuha mo para ma abot yung daily quota. Mas mahirap pag lalo kang bumababa mas lalo kang mapapababad para lang tumaas ulit mmr mo. Ako kasi minimaintain ko lang lagi mmr ko sa 1.3k-1.4kmmr pag bumaba yun mag bababad ako para kinabukasan nasa +9 SLP ulit ako. Hindi kasi maiiwasan na minsan bumaba mmr mo dahil sobrang hirap ng mga kalaban lalo na mga reptiles na dalwa stun.