Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Axie Infinity requirements before being a Grantee / Scholar?
by
markdario112616
on 08/09/2021, 20:57:51 UTC
Buti na lang pala binalikan ko ang thread na ito. Salamat sa mga sumagot. Dalawa kasi sa mga kakilala ko ang susubok kasi na magapply as scholars sa game na iyan. Buti kamo at merong axie na pwede pagkakitaan habang naglalaro. Nabanggit mo nga lang na may quota system ang ibang mga mayari kaya na intriga ako doon. So meron posibilidad na pwede magbabad ng ilang oras kada araw ang isang scholar sa laro para lang makuha ang quota tama ba?

Ang minimum na quota ika nga ay nasa 75 slp, Kung yang quota lang na yan ang pagbabasehan, Gugol ka din pag palagay natin na 1-2 oras. Pero kung ikaw ay may gusto talagang ma achieve, sabihin nating gusto mo talagang kumita at makapasok sa Leader board. Maglalaan ka talaga ng oras dito para pag aralan ang strategy na pede mong gawin o gamitin at makilala ng husto ang sariling mong axie.


Base nadin sa sinabi ng iba nating kababayan 75 SLP minimum quota per day pero kung may balak ka mag apply bilang scholar ay wag ka mag settle sa 75 slp lang dahil malamang mapapaisip manager mo na tanggalin ko sa program niya dahil medyo lugi padin sya pag ganyan lang target mo ma achieve a day. Maraming youtubers na nag content ng axie at yung iba dun mga top sa leader board at maaari mong panoorin mga galawan nila at makinig sa tips na binibigay nila sa kanilang mga viewers at sigurado makaka kuha ka talaga ng ideya tungkol sa anong gamit ng cards ng mga axie at magandang team build para sa arena(PVP).

Agree, Marami na ang mga naglalabasan streamer at ang content ay ang Axie. Kung tutuusin ika nga ng iba kahit chopsuey ang axie pero gamay mo na ito kayang kaya padin nitong makaabot sa mataas na MMR.

At sa quota ulit, may mga manager na okay lang sa kanila na kahit 75 slp a day lang makuha mo ito yung mga tipo ng manager na lowkey lang kung baga kung ano kaya mong ibigay okay na sa kanila. Pero tulad nga ng nasabi, baka mag open ang opportunity para sa iba at ikaw naman ang mawalan kung patuloy ka lang sa ganung laruan, kung baga hindi nakakakita ng improvement.