Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Filipino crypto users
by
arwin100
on 09/09/2021, 12:51:52 UTC
Sa tagal kong andito sa forum napansin ko na sobrang daming newbies every year nadadagdagan at kung sa totoo lang hindi ako makapaniwala sa dami dahil hindi pa naman ganoon kalaganap ang forum na ito sa iba, karamihan sa kanila ay alam ang bitcoin pero walang idea sa forum na to.

Ano sa tingin niyo tama ba ang hinala ko na maraming alternative accounts or multiple accounts dahil sa rason na mahirap solusyonan ito.

Yung mga friends ko sa Facebook na involved sa Cryptocurrency ay tinanong ko kung ano account nila sa Bitcointalk and sad to say karamihan sa kanila ay di alam kung ano ang Bitcointalk, napaka halaga pa naman na alam nila ito dahil karamihan ng mga projects sa Cryptocurrency ay dito naguumpisa at dito mo rin malalaman ang mga bagay na related sa Cryptocurrency, at tungkol naman sa multiple accounts marami rin dito pero sa tingin ko dumarami rin ang mga new account dahil sa pagiging  mapag research ng mga bagong investors sa Cryptocurrency.

It's time to introduce the forum for them, mas makakatulong kung mababasa nila ang ibat ibang opinyon ng mga posters bago sila mag invest, dahil kung sa review lang sila titingin, maaring biased yon at worst maaring ma scam pa sila sa pag invest ng mga ponzi schemes. Ako, napunta ako sa forum dahil sa sariling research ko lang, matagal na panahon na, until now nandito pa rin ako dahil maraming opportunity dito at marami ring akong natututunan.

Maganda sana kung magkaroon sila ng interest dito dahil malamang talaga na makakatulong ang pag ikot-ikot nila dito upang magkaroon ng ideya sa iba't-ibang bagay tungkol sa crypto pero kung profit ang kanilang ipinunta dito e malamang ma didismaya sila dahil sa hirap ba naman mag pa rank at sobrang taas ng kompetisyon dito sa dami ng mga tao na naghahanap ng trabaho dito. Pero kung masikap lang yung nahatak e malamang na kikita naman sila dito in the long run.