Normal lang naman sa isang crypto coin ang bumagsak ang presyo lalo nat walang bagong magandang update tungkol sa burning mechanism ng SLP, pero tandaan niyo na nasa alpha stage palang ang axie at marami pang pweding mangyare. Tungkol naman sa infinite supply ng SLP,parang wala naman problema dito, ang Dogecoin nga infinite supply din naman pero tingnan niyo kung nasaan na ngayon. Tsaka marami na din nman mga merchants dito sa pinas na tumatanggap ng SLP ay payment method kaya magandang sign ito para sa SLP. Pero mas gaganda kung yung Land gameplay na sinasabe nila ay may way para ma burn yung mga SLP natin para mas tumaas ang presyo ng SLP.
Apat na araw nalang din at matatapos na ang season 18 sa arena, pansin ko kasi after ma tapos ng season tsaka sila nag lalabas ng mga update tungkol sa laro at pag meron man sila ilabas after this season tiyak tataas nanaman price ng SLP, pero kahit mag stable lang price niya sa 5-6 pesos ok parin naman basta mag tagal lang yung laro.