Ang finance ay sadyang kaakibat ng taxation. Napakakomplikadong usapin, na aking maaamin na hindi ako eksperto bagkus ay isang amateur lamang na tagasubaybay.
Mangyayari lamang na magkakaroon ng interes ang ating pamahalaan sa bitcoin, partikular, kung ito'y makapagdudulot ng benepisyo para sa pangangalap ng buwis ng gobyerno.
Kamakailan lamang, nagpalabas ng balita na ang gobyerno ay magpapataw ng karagdagang mga penalty sa mga hindi nagbabayad ng buwis.
Siguro, dahil sa pandemic at lumobo ng husto ang utang ng Pilipinas, pinipilit nito ang kalapin ang lahat ng kaya nilang kalapin.
Samantala, karamihan sa mga negosyanteng Pilipino ay naghihikahos ng dahil sa matumal na bentahan at huminang ekonomiya bunsod ng lockdown at pandemic.
Sa aking sariling kuro-kuro, kung ang layunin ng gobyerno ay mapaigting ang koleksyon ng buwis, maraming benepisyo ang isang transparent digital-ledger. Ngunit, sa aking palagay, hindi nito tutukuyin ang Bitcoin, sapagkat napakalaking risk nito dahil sa volatility.
Sa aking sariling kuro-kuro, kung sakali man, siguro't mas gugustohin pa ng gobyerno ang gayahin ang Tsina na naglunsad ng kanilang digital currency.
Ang poder ng gobyerno ay kapangyarihan at hindi sila papayag, kailanman na magkaroon ng isang bagay (lalo na pag may kinalaman sa taxation) na hindi nila maaaring makontrol.
Kung sakali mang magkakaroon ng isang pera na blockchain-based, siguro'y ito'y magiging "centralized" at hindi tulad ng bitcoin.
Tama, Ang gobyerno mag aadopt lang yan ng isang bagay na alam nilang pwede silang kumita (taxation) o pwede nila ma control ang mga tao.