Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bilyonaryo dahil kay BTC
by
Fredomago
on 07/10/2021, 19:47:06 UTC
Link to post: https://www.facebook.com/groups/458367265296997/permalink/476685920131798



Buti nalang hindi talaga sakanya. Kasi kung sakanya talaga tong kaylaking halaga ng pera na to, automatic na target na agad ng mga kidnappers to.  Cheesy Heads up lang sainyo na kung may malaki kayong halaga ng BTC, no need to flaunt it publicly; mas importante ang seguridad natin at ng mga pamilya natin.

Naku po! Pag nagkataon na sya ang may-ari nung larawan automatic ka talagang #1 target. Mas kinakabahan parin ako dyan sa nag post ng larawan kahit na sabihin nyang hindi sa kanya yan ksi di natin maiiwasan na may mga makikitid ang utak na maaari ka paring makapag kamalan na may-ari ng larawan.

Mas mainam parin talaga na sekreto lang kung gaano man kalaki og kaliit ang hawak mong bitcoin, wag mo nang dagdagan mga problema mo at baka pati buhay ng mga mahal mo sa buhay maging delikado pa dahil dyan sa post na yan. Hanggat maaari mamuhay parin ng naaayon sa stado ng buhay, kung hindi man maiiwasan na mag pundar ng mga ari-arian at mag invest sa mga security para mas lalong safe pamilya mo at mahimbing parin na makakatulog twing gabi.

Tama ka diyan kabayan , mahirap na magpabiglabigla sa pagpopost sa social media lalo na napakalaking halaga nito kahit na nga sabihin niya di sa kanya at may kalalagyan talaga lalo na sa mga sindikato, sang-ayon ako na dapat isipin din natin yung pamilya natin at wag puro pakita ng mga naglalakihan natin mga kinikita online lalo na sa investing , mining o kahit anu pa diyan. Mas mainam na isekreto niya na lamang ito , tahimik na buhay habang kumikita online ganito na lang ligtas pa tayo , diba.
Sa dami ng masasamang loob sa bansa natin mabuting manahimik at itago na lang yung mga ganyang impormasyon, napakalaking halaga nyan ngayon sana lang patuloy na naitatago nung totoong may ari ung pagkakakilanlan sa kanya para safe sya at ang buong pamilya nya. hindi masamang magshare pero sana iniisip din ung kapakanan mo or nung buhay ng taong nagmamay ari ng wallet na yun.

Sa ngayon wala pa namang impormasyon patungkol sa pagkatao nung may ari ng Bitcoin wallet address, malamang kung paanong kinakabahan tayong nakikiusi lang ung may ari nyan eh talagang doble and pag iingat sa buhay nya.