Sa tagal kong andito sa forum napansin ko na sobrang daming newbies every year nadadagdagan at kung sa totoo lang hindi ako makapaniwala sa dami dahil hindi pa naman ganoon kalaganap ang forum na ito sa iba, karamihan sa kanila ay alam ang bitcoin pero walang idea sa forum na to.
Ano sa tingin niyo tama ba ang hinala ko na maraming alternative accounts or multiple accounts dahil sa rason na mahirap solusyonan ito.
Yung mga friends ko sa Facebook na involved sa Cryptocurrency ay tinanong ko kung ano account nila sa Bitcointalk and sad to say karamihan sa kanila ay di alam kung ano ang Bitcointalk, napaka halaga pa naman na alam nila ito dahil karamihan ng mga projects sa Cryptocurrency ay dito naguumpisa at dito mo rin malalaman ang mga bagay na related sa Cryptocurrency, at tungkol naman sa multiple accounts marami rin dito pero sa tingin ko dumarami rin ang mga new account dahil sa pagiging mapag research ng mga bagong investors sa Cryptocurrency.
Ako rin ay madalas magtanong noon sa mga nakikilala ko at mga kaibigan ko na nalalaman kong gumagamit ng cryptocurrency pero halos lahat din sa kanila ay hindi alam ang forum na ito. Kapag naman tinatanong nila ako kung para saan itong forum o kaya naman ay dinidiscuss ko ito sa kanila, madalas na sinasabi ay madami namang source internet at hindi lamang ang forum na ito at sapat na sa kanila iyon.
Oo ang dami ngang new accounts siguro nga ay mga bagong investors sila o pwede din naman mga dati na sa forum na ito na nawala at hindi na mabuksan muli ang account nila kaya naman gumawa siya ng bagong account at hindi rin naman maiwasan, ang ibang new account ay pangalawa o pangatlong account na.