Musta mga ka crypto?
Balita ko magsisimula na ang Parachain Lease Offering (PLO) or parachain auction ng POLKADOT this quarter. Ito na yung pinakahihintay na piyesa ng POLKADOT tungo sa kabuoang anyo ng proyektong ito. Kapag mapuno na yung 100 Slots para sa parachain, kaya na nitong maghandle ng 1 million TPS. Grabe! Iba talaga itong proyektong ito kasi nga LEVEL 0 yung architecture nya.
Sa mga naghohold ng DOT jan, congrats ulit sa inyo at HAPPY STAKING na rin!
Yung staking ba nito is yung asa binance din? Kung di kasi ako nagkakamali sa pagkakatanda, inintroduce din sakin to ng tropa ko, kaya pamilyar ako, early 2021 ata yun mataas na price nya nun eh, yung sa staking nabasa ko kaso ng baba ng APR kung itutuloy kong sumali sa pag stake kaya di ko na din tinuloy. Base na rin sa initial readings ko dito sa Polkadot, is magandang proyekto since inaallow nya yung different network na magka-intindihan (not quite sure kung tama pagkakaintindi ko sa meaning nito).