hindi dahil nasa forum meaning crypto user na , marami ditong nag try gumawa ng account para lang matuto tungkol sa crypto pero since hindi ganon kadali eh mas ginusto nalang lumabas at bumalik sa ibang profiteering.
Marami akong kilala na nag register dito sa forum pero hindi sila active parang kumuha lang ng impormasyon, at marami din ako kilalang trader at crypto user na hindi naman alam itong forum. Katulad na lang ng gc namin sa fb na puro traders pero iilan lang ang merong account dito.
Kaya hindi natin malalaman kung ano na ang porsyento ng crypto users dito sa atin base lamang sa mga new pinoy users dito sa forum kasi hindi naman lahat ay aware. Sa tingin ko naman dumadagdag ang bilang, hindi na rin naman bago sa pandinig ng ibang pinoy ang bitcoin lalo na ngayon na ang coins.ph marami na gumagamit.