Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Pagpasok ng Tao Sa Crypto
by
SacriFries11
on 17/10/2021, 13:48:28 UTC
Hindi pa ganun ka tunog ang crypto dito sa Pilipinas base sa nakikita ko kasi ako mismo nagtatanong ako sa mga kakilala ko specially sa mga ka work mate tina try ko sila tanungin about bitcoin and they will always answer "ano yun? at dun ko napatunayan na hindi pa talaga lahat alam dito. Kahit yung mga pumapasok at nag ta try ng NFT games dahil sa Axie eh pinapasok lang nila ng basta basta kahit hindi nila eto na aral ng maigi. Kaya marami na i-scam na mga pinoy pag dating sa crypto currency dahil hindi lahat alam ang tungkol dito.

Sa mga taong nakapaligid sa akin noong nasa syudad pa ako pati ngayong nasa probinsya na ako , masasabi ko na madami ng nakaka-alam sa crypto. Ang mga iba't-ibang transaction sa binance alam din nila. Nang pumasok ang axie at iba pang nft games , mas dumami pa ang nakilala kong may alam sa crypto at madami na din lalo sa kakilala ko ang pinasok ang mundo ng crypto. Marahil ay dipende na din sa age bracket ng mga taong nakapaligid sa atin ang may alam patungkol sa crypto.