Until now undecided pa rin ako kung sino iboboto kong president sa darating na halalan. Actually, naiisipan ko na nga lang na huwag na lang bumoto dahil aside sa pagiging apolitical ko eh masyado nang nagiging magulo (Well, politika nga naman

). Ang daming pasaring at paninira ng parehong mga panig, fake news dito fake news dyan. 'Di ko na alam ang totoo sa hindi.
Pero kung kailangan ko talaga mamili, masasabi kong kina Isko at Marcos lang ako titingin kasi sila yung nakikita ko na may magagawa talaga. Isko bacame a poor once so expected na alam niya ang talagang pangangailangan ng mga mahihirap. On the other hand, I believe that BBM also got a brilliant mind like what his father had. Nafifeel ko na kaya niya maboost ang economy natin pag sya naging president.
Sino makakatulong sa ating crypto enthusiasts and cryptosphere in general? Wala I think, unless marinig natin ang concrete na plataporma nila regarding sa bagay na 'to. I do not expect anything for now. Pero kung sino man ang next president, I hope mawakasan niya na ang lahat ng pagdurusa na dulot ng pandemya.