Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bitcoin, papalo ba sa $100k ??
by
blockman
on 29/10/2021, 16:57:07 UTC
Kung asa point ka pa ng pagiimpok medyo maganda ang timing ngayon para mag invest mababa ang value siguro maraming nag cash out or may whale na naglalaro at nanakot para bumitiw yung mga may mga hawak na coins ngayon, wala naman akong nababasa pang dahilan kung bakit biglang namula ung market, sa case kasi ng china may nabasa ako na balak pa atang payagan ulit ang mga mining farm na magfacilatate sa bansa nila. Labo talaga ng mga instsik pero baka makahatak ulit ng magandang feedback sa mga investors na nais din makipagsapalaran, ingat na lang sa mga gagawing hakbang at wag kalimutang mag DYOR.
Madalas talaga may mga whales na naglalaro. Sa balita na yan, wala pa akong nabasa na tungkol sa pagpapaluwag ng China sa mga mining farms nila.
Dati sila yung number 1 pero nung pumutok yung balita sa banning nila, naging US na yung naging number 1 sa bitcoin mining kasi nga masyado silang conservative.
Di ko lang din maintindihan bakit ganyan sila sa crypto, atras abante sa balita pero alam naman natin na lagi nilang ginagawa yan.
Mapapansin natin na kapag whales na ang naglaro ay malaki ang epekto sa market , at sang-ayon ako sa inyo. Tungkol naman sa balita na lumuwag na ang tsina sa mga mining ay wala pa rin akong nababalita, siguro may mga sabi-sabi lang na sila'y magluluwag na pero kung titignan naman natin ay malabo pang mangyari yun .Tama si kabayan masyado silang kunserbatibo sa larangan ng mining , siguro may mga malalim silang dahilan kaya ganito. Para sa awtor hindi malabong maabot ni Bitcoin ang ganyan presyo , magantay lang tayo ng maraming taon , kaya ipon na habang maaga pa.
Ipon ipon lang talaga muna habang di pa na re-reach yung price na gusto mong magbenta. Okay lang din naman magbenta kahit hindi pa naaabot yung $100k kasi normal lang din naman magtake profit. Huwag lang manghinayang kapag nakapagbenta na kasi dyan nagsisimula kapag naisipan ng iba na sayang na nagbenta sila ng maaga kahit na kumita naman sila. Yan lagi kong iniisip na kapag nagbenta na, di ko nalang iniisip yung susunod na mangyayari kasi ang mahalaga, kumita naman.