Ganito dapat talaga , binitawan mo na hanap ulit nang hahawakan . Natural naman talaga satin na manghinayang pero anu pang panghihinayang natin kumita naman tayo , mas mahinayang tayo kung nakabili tayo ng mahal tapos benta mo ng mura ,diba masaklap.Kaya mas mainam na lang talgang maginvest sa mga alam mong posibleng umangat gaya ng BTC at marami pang iba sa cmc. Pakonti konting ipon ng BTC malay natin mareach niya agad tong nais natin, antay lang tayo darating din itong ninanais natin.
Ika nga ng ibang mga traders "profit is profit no matter how small or large" pa yan. Sa dami ng cryptocurrencies na nasa merkado talagang tsambahan minsan yung mahawakan mo yung mag pump talaga. Tama, dapat nasa mindset na natin na buy low sell high, pwede namang malugi ka minsan sa mga trade mo lalo na kung mali ka sa timing more like mag cut ka ng losses mo or trade at breakeven.
Best talaga para sa mga beginners na mag stick either sa Bitcoin o kay Ethereum kasi sila yung basehan mostly sa pangkalahatang merkado. Sila yung may malaking market cap at diyan din umiikot yung tinatawag na smart money lalo na kung bull run talaga.
Yun nga kabayan mas mainam na kumita kaysa malugi saka dapat talaga may mindset na ganyan ,kung malugi man ay maging positibo hanap pa ng ibang coins na pwedeng magsuccess in future. Sang-ayon ako na minsan nasa maling timing talaga kaya nalulugi , yung iba kung kailan mataas na ang presyo saka bibira , karamihan kasi sa mga coin na mababa tapos biglang taas antayin natin yung biglang bagsak niyan. Kaya yung iba binebenta na lang sa mababang halaga na kahit papaano makabawi ng konti.
Tama ka na mas mainam mag Btc at Eth na lang para sa mga sumusubok palang dahil siguradong pang kikita yan sa mahabang panahon , iwas talo na kapag diyan tumaya yun nga lang longterm at kailangan din pagtuunan ng pansin. Ika nga maging mapagmasid sa galaw ng market kung gusto kumita agad.