Pansin ko ang hirap mag up ngayon lalo na malaki ang bawas sa MMR pag natalo at maliit naman bigay kapag panalo ka, kahit break even ka for 20/20 energy win/lose e talo ka parin sa bawas ng MMR kaya siguro nahihirapan nadin yung iba dahil sa bagong sistema na yan.
Pero not sure naman kung random ang makakalaban mo sa arena dahil kapag ganun nga nangyari na ang mataas MMR ay ilaban mo sa maliit ang MMR unfair sobra yun at tingin ko magkapareho ang MMR na maghaharap sa arena, paki correct nalang kong mali ako dito.
Marame ren akong friend ang nagtataka kase may mga scholar daw sila na below 800 MMR pero solid yung team kaya sa tingin ko ay wala na ito sa Axie na nilalaro nila kung hinde sa naglalaro na talaga. Hinde naman kase pwede na mataas na MMR at mababang MMR ang maglalabas kase kung ganon, wala nang thrill ang laro kase puro yung matataas nalang ang makikinabang.
Pag malakas na team hawak nila at wala paring progress game style nila meaning quota lang talaga ang target nila at hindi na sila nagsikap makalampas pa dahil kung pursegidong scholars talaga sila e dapat napag aralan na nila kung pano gamitin ang axie na hawak nila. Siguro enough na yung 1 month max dahil sa timespan na yan sigurado magaling kana maglaro ng axie kung pursigido kalang talaga pero pag bumagsak na sila sa ganyang level meaning tao na kailangan palitan.