Tanong lang @Coin_trader na medyo off topic pero parang sariling image yung ginamit sa OP, tama ba ako? Well, if not I don't mind or possibly na link mo nalang.
Ginamit yang image sa news.Bitcoin.com article tungkol sa paghihigpit ng batas para sa mga lalabag sa batas na tungkol sa cryptocurrency. Naka link yung original article sa picture kahit pindutin mo nalang yung image para direkta mong mapuntahan yung image o download mo dito
https://i.imgur.com/7LpV9kG.jpg.
Para sa akin malabong-malabo na mangyari sa kasalukuyan o sa along madaling panahon kahit ata dekada hindi ko pa makikita na magkaroon ng ETF sa 'Pinas unless regulated na yung crypto ng gobyerno which is malabo pa rin as general. At least pag aralan muna yung mga naunang bansa na nagkaroon ng ETF para at least may alam na kung sakali mang papasok tayo para rito.
Agree dito. Hindi din pati uubra ito sa kasalukayang kalagayan ng tatlong sangay ng pamahalaan. Siguro kung makakalusot man sa kongreso, Mahaharang agad ito ng senado dahil madaming pabibo na pulitiko ang kasalukuyang hindi gusto ng mga ganitong suggestion kagaya nalang noong research budget na tinutulan ni Cynthia Villar dahil aksaya lang daw ng pondo dahil wala naman daw tayong napapala. Sa tingin ko kailangan pa ng Pilipinas na makabangon muna at malinis yung pulpulitiko na nananatili at patuloy na nasa posisyon kahit na wala naman mabuting naidudulot yung mga ginagawa nya.